Ticker

featured/breaking-news/ticker-posts

Richard Gutierrez and Dingdong Dantes star in horror film



Richard Gutierrez and Dingdong Dantes are set to star together in the horror film Dagao (working title), which will be line-produced and directed by Chito Roño.


Ibinalita sa amin ng isang taga-GMA Films na sigurado na ang pagsasama sa pelikula nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. In-aannounce na ng president ng GMA Films na si Ms. Annette Gozon-Abrogar sa VIP premiere ng Ouija ang tungkol dito. Ang movie nina Richard at Dingdong ang isa sa tatlong magkakasunod na pelikulang gagawin ng film arm ng GMA-7 bago matapos ang taon.
stars
Dagao ang working title ng unang pelikulang pagsasamahan ng dalawang top leading men ng GMA-7. Isa uli itong horror movie to be line-produced and directed by Chito Roño.

"Very soon" ang sabi na start ng shooting at gagawin ni Direk Chito bago ang London Caregiver ni Sharon Cuneta. Kung September 11 ang start ng shooting ng Sharon movie, baka August simulan ni Direk Chito ang first movie niya sa GMA Films.

Sinabi sa amin ang ibig sabihin ng title. Tungkol ito sa iisang tao na may dalawang katauhan. Kung paano ito gagawing horror ni Direk Chito, hintayin na lang daw natin. Pauusuhin daw ng GMA Films ang horror movie na one word ang title. After ng first horror film nila na Ouija, here comes Dagao.


source : iGMA Insider

Post a Comment

0 Comments